I usually go to Cavite to spend the All saint's day. LOVE-the name of the cemetery we always went by. It's like a feast! More food and more people.
END.
10-30-2008
Huling araw na ng agosto at gusto ko ipahayag ang aking saloobin sa wikang tagalog. Dahil na din ngayon ay "buwan ng Wika". Sa totoo lang, hindi ako sanay sa aking ginagawa. Mahirap pala pag purong Tagalog kung gagamitin sa aking blog.
Hay buhay! Sadyang mahirap intindihin. Ang hirap pakisamahan minsan. Nakakaloka. Nakakalito. Ngunit masarap mabuhay. Ang daming kong kailangan tapos pero naiisipan ko pa din ituloy ang pagblog. Mukhang patay na naman ako bukas nito. Mahihirapan na naman ako magising.
Nakakaiyak minsan mabuhay. Maiiyak ka sa kalungkutan o sa kasiyahan. Minsan din, sa wala. Practice lang, gusto mo lang makita sa iyong sarili umiyak sa harap ng salamin. *baliw?haha* Paano ba mabuhay? Ano ba ang ating kailangan gawin kaya tayo nabuhay? Para kanino kaya? Syo o sa kanya? *iiyyee* Bangag na ko pasensyahan nyo na. Umiikot na aking utak sa kawalan. Gusto kasi magblog kaso kulang ang aking preparasyon sa aking itatype. Kaya kung ano na lang maisipan. Gusto ko lang mabawasan ang aking iniisip. Katulad na lang ng "thesis". Sino ba nakaimbento nyan? Leche. Pinapahirapan nya buhay namin. Lalo sa aking kursong kinukuha ang dali dali gawin.*mahirap talaga* Naingit ako sa iba noong nalaman kong chicken balls lang ang kailangan nilang i-defense. Watdapak. Parang gusto kong tumalon sa building, trip ko lang noong narinig ko yun. Kinakabahan pa sila. Bat ganun? Doon ko lang nalaman na ang talino ko. Hindi basta basta ang aming "thesis". *yabang mode* Ang dami ko pang gagawin at ito ako, nakikipaglokohan sa aking keyboard. Bangag na naman ako bukas. Lagot na ko. Kaya tatapusin ko na aking pag tatagalog sa araw na ito. Salamat. BOW. :)